Blogger Widgets Ang Tinta ng Keyboard!: 2012

Wednesday, November 14, 2012

#AMALAYER








Dahil sa naging viral talaga ang video ni #Amalayer, nagkalat ang iba't-ibang comments and reactions sa social media sites especially Facebook and Twitter.

Read more for Amalayer kung di mo pa nakikita video nya...

amalayer, #Amalayer, Amalayer viral
Lalo na sa Facebook...

Naging trending din ang hashtag na #Amalayer worldwide.. Pati sa radyo, TV stations at sa iba pa ay usap-usapan ang ganito.

Nagkalat na din ang iba't-ibang funnyimages nito...


 
Tulad nito

Amalayer, #Amalayer, Amalayer shirt, amalayer spoof
At ito...
Amalayer, #Amalayer, Amalayer movie, amalayer funny
May movie pa.. San ka pa?!

Tuesday, September 18, 2012

Oo o Hindi lang...

Pag minsan mahirap din ang tanong na Oo o Hindi lang ang sagot...

Ayaw mong maniwala? Sige try mong sagutin to...


(Oo o Hindi) 1. ___, unggoy ako!
*Fill in the blank


O eto pa...

2. Alam ba ng mga magulang mo na bading ka?
(Oo o Hindi?)

Kaya nga sinasabi ko sayo.. mahirap din di ba?

Sunday, July 8, 2012

THOR ba kamo?

THOR in Dota version!

thor jokes, funny dota image, dota funny, thor meme
 Cen-THOR


thor jokes, funny dota image, dota funny, thor meme
 Magna-THOR


thor jokes, funny dota image, dota funny, thor meme
 THOR Warlord


thor jokes, funny dota image, dota funny, thor meme
 THOR-en Chieftain


thor jokes, funny dota image, dota funny, thor meme
 THOR-mented Soul


Trent Potec-THOR


 thor jokes, funny dota image, dota funny, thor meme 
 Frozen THOR-on

LOL guy

Monday, July 2, 2012

Eh kung lahat ng teacher ganto...


Edi sana lahat ng estudyante nakikinig at lahat nag-eenjoy.. Hindi boring...


Wednesday, June 27, 2012

Meanwhile in parallel Universe...

Funny images, Funny animals, humor, meanwhile in parallel universe

Baboy: Isang kilong braso ng tao nga...

Sunday, June 24, 2012

(̅_̅_̅_̅(̅_̅_̅_̅_̅_̅_̅_̅_̅̅_̅()ڪے~ ~


STOP SMOKING!

Thursday, June 21, 2012


Mukang masarap kainin.. lalo na yung part ng Rubik's cube....

Friday, June 15, 2012

90's kids must read this!

 Kung ipinanganak ka nang mga year 90's, tiyak na makakarelate ka, pero kung hindi, itigil mo na ang pagbabasa kasi tiyak na maiinggit ka lang. Alam mo kung bakit?

Edi basahin mo na lang......
 

Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.

Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.

Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.

Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka. (alam mo yan!)

Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris. (Hadukken!)

Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo. (ako, hanggang kaskas lang sa sapatos. takot ako pag kamay. haha)

Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. (panalo!)

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay. (i loved Toni Kukoc

Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.

Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. ( si Jolina ang nagpauso nito.) haha.

Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket. (HAHA!)

Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak. (the best!)

May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.

Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.

Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang. (panalo!)

Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit. (eto sakin! hahaha!)

Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom. (girls, may shorts sa ilalim ng palda para sa 10-20 tas pag-uwi sobrang dumi na ng socks!!!! HAHA!)

Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand (oy wild), compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.

Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.

Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.

Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.

Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone. (man! i actually had one of those! haha!)

Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo. (don't forget Bomber Man and Pacman! haha. good times

Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.

Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".

Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.

Sumasayaw ka ng Macarena.

Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila. (i was sporty spice!)

Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands. (oo na, i was a BSB fan. wild! haha!)

Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.

Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin. (haha!)

Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.

Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.

Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."

Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, (calling Vincent and Renel) at Cedie. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats. (Cedie: pang-afternoon kids!)

Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.

Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.

Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.

Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...

Napanood mo ang Batang X.

Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar. (haha!)

Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"

Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga siya mang-api kay Mara.
Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.

Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.

Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."

Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".

Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.

Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology. (nanginginig ako nung nag-new year non! haha!)

Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.

Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.

Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose." (di ako naniwala. i thought she was one of those people who would live forever.)

Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay. (who knows SPLASH???)

Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.


Saya noh? Ang saya maging bata!

Thursday, May 31, 2012

The "Ang Wahla" expression

Hello again!
 Another post, walang time para mag-update palagi eh..

Ok let's start.

"......ang wahla!" Minsan  ba madalas nyo ring mapansin ang word na to sa pagsasalita ng mga tao? Yun bang kada last phrase ng sentence nila eh may "ang wahla" kang maririnig?

For example pag yung kaibigan mo eh nakita kang bagong gupet, mapapansin nya to then magsasalita..

"Pre nag-pagupit ka?"

Then sasabihin nya..."Ang pogi ang wahla!.. haha" or " Ang panget and wahla!"

Hindi naman ibig sabihin ng word na "wahla" eh means "wala" talaga or in english "none".

I admit na madalas ko ding gamitin ting expression na to, pero di ko din alam kung san ba o ano ba pinagmulan nito.
Pag dinadagdagan mo kasi ang dulo ng sentece mo ng gantong expression, parang mas astig. Haha, yun ang palagay ko..
Mas nagkakaroon ng dating ang sinasabi mo, lalo na pag nang aasar ka. So malamang ginagamit mo din to.. hehe..


Pero pag minsan parang tunog mayabang di eh no? Parang salitang kalye? Ah ewan, basta! Ang hirap naman ang wahla!

Friday, April 13, 2012

Tao nga ba?

Tao nga ba tong babaeng to? Sa sobrang ganda, an Angel on Earth ang ibang bansag sa kanya! Eto po ay walang iba kundi si miss Carmina Topacio!

Wala sigurong lalake ang hindi magkakagusto sa kanya pag nakita siya. Bukod sa maganda na, talented pa! marunong mag-gitara, mag-piano at ang ganda pa ng boses.

Eto yung isa sa mga kinompose nyang kanta, isa din sa mga naging paborit ko nung marinig ko. haha! Medyo marunong din naman akong mag-gitara. Pero nung bumile yung ate ko ng Piano/keyboard, nagsimula kong magpraktis dito, mga 1 month ko din yatang di nagalaw gitara ko nun. Then nung nakita ko yung mga video nya, sabi ko sa sarili ko "makapag-gitara nga ulit". Nung tinry ko, di na ko marunong ang wahla! Di ko na mapisil yung string! Lumambot na yung daliri ko sa tagal ng pagkakabakante nito. haha! ************ Base sa kanyang biography, nag-simula pala siya nung year 2008.. siguro mga 3rd year high school ako nun.. Sayang di ko man lang nakita kung pano sya nagsimula... Ngayon ko lang kasi sya nadiscover! haha... Di ko maalala kung pano eh, siguro nung kaka-browse ko ng kung anu-ano...

Well, sana ma-meet ko sya sa personal and makapag-jamming kasama siya! :D

Monday, April 2, 2012

Let's Begin!

First of all, anong kalokohan to?
Haha! Pag gumawa ng Blog kalokohan kagad? Di ba pwede may dahilan kung bakit nagbo-Blog?

Eh bakit ka gumawa neto?
Na-inspire kasi ko sa mga Filipino Blog na mga nabasa ko. Dito kasi nila naipararating kung ano yung gusto nilang sabihin at kung ano yung gusto nilang ikwento. Lalo na dun sa mga kwento nilang nakakatawa, yung mga normal na nangyayari lang sa araw-araw na di mo akalaing pwede mo palang gawing kwento! haha......(Ok..... masyado nang mahaba tong paliwanag ko..)


Tell me something about yourself...

I'm 19 years old and mag-tu-20 this year. Taga Cainta Rizal po ako. My hobby is to play BasketBall, mag internet, mag-laro ng mga flash games sa net, mag-Dota, matulog, at kung anik-anik pa...

Anong pinagkaka-abalahan mo?
Nagtratrabaho ko sa isang digital marketing agency dito sa Marikina. An Internet Marketing job. Pwede kong ipaliwanag ng mas mabuti to sa ibang post ko.


Tungkol saan 'tong Blog mo?
Gaya nga ng sinabi ko kanina, na-inspired ako dun sa mga nabasa kong ibang blog na ikinukwento nila kung ano yung mga nakakatawang bagay na nangyari sa kanila, o kaya kung ano ang gusto nilang ikwento. Kaya ang Blog na to ay kung ano lang din ang gusto kong ikwento at kung ano din ang gusto kong sabihin. Gusto ko ding mag-share kung ano yung mga alam ko. Pero sisikapin kong may kapupulutan ng aral ang Blog na to.

Bakit "Tinta ng Keyboard"?
Wala kasi akong maisip na pamagat eh.. Tinta ng keyboard kasi parang keyboard ang ginagawa kong panulat hindi Ballpen, lapis o kahit ano. Parang ganun. :D