Blogger Widgets Ang Tinta ng Keyboard!: April 2012

Friday, April 13, 2012

Tao nga ba?

Tao nga ba tong babaeng to? Sa sobrang ganda, an Angel on Earth ang ibang bansag sa kanya! Eto po ay walang iba kundi si miss Carmina Topacio!

Wala sigurong lalake ang hindi magkakagusto sa kanya pag nakita siya. Bukod sa maganda na, talented pa! marunong mag-gitara, mag-piano at ang ganda pa ng boses.

Eto yung isa sa mga kinompose nyang kanta, isa din sa mga naging paborit ko nung marinig ko. haha! Medyo marunong din naman akong mag-gitara. Pero nung bumile yung ate ko ng Piano/keyboard, nagsimula kong magpraktis dito, mga 1 month ko din yatang di nagalaw gitara ko nun. Then nung nakita ko yung mga video nya, sabi ko sa sarili ko "makapag-gitara nga ulit". Nung tinry ko, di na ko marunong ang wahla! Di ko na mapisil yung string! Lumambot na yung daliri ko sa tagal ng pagkakabakante nito. haha! ************ Base sa kanyang biography, nag-simula pala siya nung year 2008.. siguro mga 3rd year high school ako nun.. Sayang di ko man lang nakita kung pano sya nagsimula... Ngayon ko lang kasi sya nadiscover! haha... Di ko maalala kung pano eh, siguro nung kaka-browse ko ng kung anu-ano...

Well, sana ma-meet ko sya sa personal and makapag-jamming kasama siya! :D

Monday, April 2, 2012

Let's Begin!

First of all, anong kalokohan to?
Haha! Pag gumawa ng Blog kalokohan kagad? Di ba pwede may dahilan kung bakit nagbo-Blog?

Eh bakit ka gumawa neto?
Na-inspire kasi ko sa mga Filipino Blog na mga nabasa ko. Dito kasi nila naipararating kung ano yung gusto nilang sabihin at kung ano yung gusto nilang ikwento. Lalo na dun sa mga kwento nilang nakakatawa, yung mga normal na nangyayari lang sa araw-araw na di mo akalaing pwede mo palang gawing kwento! haha......(Ok..... masyado nang mahaba tong paliwanag ko..)


Tell me something about yourself...

I'm 19 years old and mag-tu-20 this year. Taga Cainta Rizal po ako. My hobby is to play BasketBall, mag internet, mag-laro ng mga flash games sa net, mag-Dota, matulog, at kung anik-anik pa...

Anong pinagkaka-abalahan mo?
Nagtratrabaho ko sa isang digital marketing agency dito sa Marikina. An Internet Marketing job. Pwede kong ipaliwanag ng mas mabuti to sa ibang post ko.


Tungkol saan 'tong Blog mo?
Gaya nga ng sinabi ko kanina, na-inspired ako dun sa mga nabasa kong ibang blog na ikinukwento nila kung ano yung mga nakakatawang bagay na nangyari sa kanila, o kaya kung ano ang gusto nilang ikwento. Kaya ang Blog na to ay kung ano lang din ang gusto kong ikwento at kung ano din ang gusto kong sabihin. Gusto ko ding mag-share kung ano yung mga alam ko. Pero sisikapin kong may kapupulutan ng aral ang Blog na to.

Bakit "Tinta ng Keyboard"?
Wala kasi akong maisip na pamagat eh.. Tinta ng keyboard kasi parang keyboard ang ginagawa kong panulat hindi Ballpen, lapis o kahit ano. Parang ganun. :D